ANO NGA BA ANG TALUMPATI?
Ang ay isang uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang tao ay umaakyat sa entablado para magsalita ukol sa kanyang mga opinyon at ideya.
Ang ay isang maayos na pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita. Ang layunin nito ay makapagharap o makapaglahad ng patakaran o simulain o dili kaya ay makapang-akit ng nakikinig tungo sa isang kapasyahan.
Bahagi ng Talumpati
- Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang kunin ang atensyon ng madla.
- Katawan - pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
- Konklusyon - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.
Paraan ng Talumpati
- Binasa - inihanda at iniayos ang pagsulat upang basahin nang malaks sa harap ng mga tagapakinig.
- Sinaulo - inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
- Binalangkas - ang mananalumpati ay naghanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Nakahanda ang panimula at wakas lamang
Hakbangin sa Pagtatalumpati
- Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at interes.
- Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
- Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at pangwakas.
- Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.
Uri ng Talumpati
- Nagbibigay aliw
- Nagdaragdag kaalaman
- Nagbibigay sigla
- Nanghihikayat
- Nagbibigay galang
- Nagbibigay papuri
- Nagbibigay impormasyon
Katangian ng Magaling na Mananalumpati
- Kaalaman.
- Kasanayan.
- Tiwala sa sarili.
- May magandang personalidad.
- May koneksyon sa mga manonood.
- May ekspresyon ang mukha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento